Kailangan natin lagyan ng Title ang lahat ng ating mga Blog!

Ano nga ba ang Blog? Paki tanong na lang po sa iba at sa ngayon ay busy akong tampusin ang sample Blog na ito.

Lahat tayong Member ng KAMITO.org ay pwedeng gumawa ng sarili nating Blog! Isipin nyo na lang na ang Blog ay parang isang newspaper, o magazine o komiks (para sa mga nakaka-relate ng mga komiks pa nuon) na tayo ang gumagawa ng mga gusto nating ilagay sa ating mga magazine o newspaper.

Tulad nitong Blog na ito na pinapaliwanag kung sino sino at kung ano ano ang mga pwedeng gawin ng mga kapwa Member natin dito.

Lahat ng mga bagong sali ay tatawagin nating SUBSCRIBER. Lahat nag-uumpisa sa pagiging SUBSCRIBER.

At kung tayo ay malakas sa Administration ng website na ito, pwede tayong ma-promote sa CONTRIBUTOR o kaya naman AUTHOR.

Ano nga ba kaibahan nila SUBSCRIBER at CONTRIBUTOR k AUTHOR?

Si Author, dahil malakas sa Administration (madalas mag post ng may kabuluhan; un bang may potential na magkaroon sya ng sarili nyang online business); hindi na kailangan ni Author ng approval ni Editor o ng Administration. Naka-auto publish agad un mga Blog ni Author.

Samantalang sila Subscriber at Contributor, dahil sa mga baguhan pa sila, kailangan pa ng approval ni Editor ang lahat ng mga sina-submit nilang mga Blog nila.

Sa ngayon, walang kaibahan sila Subscriber at Contributor. Si Author lang ang sikat at pwedeng mag-publish ng kanyang Blog agad.

Lahat ng andito sa page na ito ay kayang gawin lahat. Special lang talaga si Author dahil nga sa madalas si Author mag post ng may kabuluhan; (may laman ba; may sense; un mapapa “oo” ka nga; un magigising ang utak mo) at si Author nagpakitang gilas na! Napatunayan na nya na may potential na magkaroon sya ng sarili nyang online business.

Lahat ng nasa post na ito ay pwedeng gawin ng lahat ng Member. “Ano Ano na ang mga Pwedeng Gawin Sa KAMITO.org?

Syanga pala, si Author, dahil magaling sya, allowed syang mag-create ng sarili nyang category para sa mga Blog post nya. Isipin nyo na lang na un “category” ay parang mga drawers ng mga damit nyo kung saan, naka-organize bawat drawers un mga damit nyo. Para nga naman, madali nya hanapin un mga post nya at madali din para sa iba na mag-hanap ng mga post nya.

Ano un “Post Tag”? un post tag para sa mga may alam un paano magiging search engine friend un kanilang post at kung paano maging viral un post nya.

Syanga pala, un mga nasa picture, mga tropa ko yan! Kayo din, pwedeng maglagay ng mga pictures sa inyong Blog.

Leave a Reply