Paano nga ba magkaroon ng website at magkano ang kailangan?

Imaginin nyo na ang website nyo ay opisina nyo sa internet na nakikita at na-access ng lahat ng tao sa buong mundo. Bukas ang opisina nyo ng 24 hours a day, 7 days a week; at ang pinaka maganda sa lahat, wala kayong taong binabayaran para mag-provide ng information o magbenta sa online. Unlike pag may tindahan tayo, kailangan pa natin ng taong may magbebenta, tatanggap ng bayad, magsusukli, at iba pa.

Sa online, website nyo na ang gagawa nuon para sa inyo para kahit natutulog kayo o nasa banyo kayo, bukas pa din ang inyong opisina (o tindahan).

Tulad sa totoong buhay, kailangan din natin ng Business Name Registration. Sa internet naman, ang tawag dito ay Domain Name Registration. Tulad ng KAMITO.org, yan ang pangalan ng website na ito. Click lang po dito para kayo magkaroon ng idea un magkano kada taon ang bayad sa sarili nyong Domain Name.

So, nakapag-register ka na ng business name mo o ng sarili mong Domain Name, d ba? Ngayon naman, ang susunod mong kailangan ay lugar. Lugar na paglalagyan mo ng mga files mo, mga pictures mo, mga information mo, mga programs mo, at iba pang mga kailangan mo para patakbuhin ang inyong website, di ba? Ang tawag dito ay Web Hosting Account. Ito ang lugar un saan nyo pinapatakbo ang inyong website. Click lang po dito para kayo magkaroon ng idea un magkano kada taon ang bayad sa Web Hosting Account. Wag po tayong magpapaloko sa mga advertisement ng mga ito. Komo kada buwan ang nilalagay nilang presyo (mas mura nga naman tignan), ang singil pa din dito ay kada taon.

Sa madaling sabi, mahina ang 1,500 to 2,000 pesos sa Domain Registration at 1,800-2,000 pesos sa Web Hosting. Para lang magkaroon ng website ang isang tao, kakailanganin nya ng mga 3,500 to 4,500 pesos sa unang taon pa lang nya. Hindi pa dun kasama un mga apps or software applications na kakailanganin nya, at bayad sa tao (kung hindi sya marunong gumawa ng sarili nyang website).

Alam mo, dahil sa humantong ka dito, dahil sa narating mo ang paragraph na ito (oo, itong binabasa nyo ngaun)… baka ma-qualify ka sa aming libreng Sub-Domain at libreng Web Hosting na may kasamang unlimited email accounts. Baka lang naman!

Dahil sa… sa sa mga layunin ng website na ito na makatulong sa mga kapwa nating PWDs at mga Senior Citizens, kalayuan (hindi pa sa ngayon), magbibigay po kami ng mga online training para kayo magkaroon ng sarili nyong website. Kasi there’s no point naman na bigyan namin ang isang taong hindi marunong gumamit o mag-maintain ng kanilang website, di ba?

Kaya kung gusto nyong magkaroon ng sarili nyong PANGALAN-MO.kamito.org sub-domain at sarili mong PANGALAN-MO@kamito.org na email account para syo at sa iba pang mga tao o gamit, mag-join lang ngayon at umpisahan nyo ng matutong gumamit ng website na ito dahil ang ipapamigay namin sa inyo ay kamukha o halos pareho din ng mga functionality ng website na ito. Join na po at mag-create na kayo ng inyong sariling account. Click lang po dito para nyo malaman un ano ano ang mga pwede nyo ng gawin sa website na ito.

Leave a Reply